Hello mga Bradz!!! Kumusta nman ang ating mga tummy, grabe yung panahon ngayon sobrang maulan at isa sa pinakamasarap gawin kapag umuulan ay kumain (sorry diet see you next year).Ngaun ay susubukan natin na magluto ng puto, first time ko to na magluto ng puto pero don't worry magaling ako tsumamba..he..he..he. Ang gagawin nating puto ngaun ay puto na gawa sa all purpose flour , madali lang tong gawin kaya kahit yung mga di expert sa pagluluto ay kayang kaya tong gawin.
Simulan na natin ang pagluluto at ito ang mga kailangan natin.
INGREDIENTS:
2 cups All purpose Flour
1 cup Sugar
2 eggs
1 1/3 cups water
1 1/2 tbsp. baking powder
1/2 tsp. salt
1/2 cup butter or margarine (melted)
1 small cheese
UTENSILS:
Steamer
Mixing Bowl
Wire whisk
Spatula
Molder
Measuring cups and spoon
Paraan ng Pagluluto:
- Lagyan ng tubig ang steamer at isalang sa stove para kumulo.
- Sa mixing bowl ilagay ang 2 cups All purpose flour, 1 1/2 tbsp.baking powder at 1 cupsugar, haluin ng spatula para mag incorporate ang mga ingredients.
- Ilagay ang melted butter o margarine sa mixture at haluin sya ng wire whisk, Siguraduhing mahahalo ng mabuti ang mixture para maging mukha syang cream.
- Ilagay ang 1 1/3 cups ng water at 2 itlog at haluing mabuti hanggang sa wala ka ng makitang particles na buo buo.
- Hatiin ang cheese ng tamang laki lamang para maging garnish
- Ilagay sa molder ang batter mixture at lagyan ng cheese sa ibabaw.
- Lutuin sa steamer ang batter mixture ng 15-30 minutes.malalaman natin na luto na ang puto kung madali na itong maalis sa molder o kaya kapag tinusok mo ng tooth pick ay wala na sumasamang particles.
Hola... Luto na ang puto mo at napakadali lang talaga. makakagawa ka ng 50 pirasong puto kapag gagamitin mo sya ng katamtamang laki na molder. masarap kaulam ang puto sa dinuguan o kaya nman ay kapares ng kape...masarap to lalo na sa malamig na panahon. Pede din lagyan ng itlog na pula sa ibabaw ng puto kung mas special na puto ang gusto mo lutuin.
Madali lang magluto kung may passion ka sa pagluluto. Dapat lang maging sensitive ang panlasa natin upang malaman natin kung tama na ba ang lasa ng niluluto natin. Huwag matakot mag experiment ing iba't ibang putahe malay mo maka discover ka ng bagong recipe.That's it pancit for my puto recipe. I will post more recipes on this blog and also I will post updates on my social media account so please follow me.
❤❤Facebook: https://facebook.com/wandermaan
No comments:
Post a Comment