Hello again mga Bradz, andito na nman tayo sa isang editiong ng aking Food Blog and ngaun ay maggagawa tayo ng cordon bleu. Napakadali lang gawin ng cordon bleu at isa eto sa best seller nmin sa aming catering na Bradz Cuisine. Sa mga mamshies na nahihirapang magpakain sa mga pihikan nilang kiddos you can try this dish at tiyak na magugustuhan to ng mga anak nyo dahil eto ay isang magandang alternative sa fried chicken na alam naman nating all time favorite ng mga bata. So lets start na sa ating pagluluto ng Cordon Bleu and here is the list of Ingredients.
INGREDIENTS:
1/2kl. Chicken Fillet
1 pack Ham
1 Pack Cheese
2pieces eggs
seasoning
All purpose flour
Bread Crumbs
Steamer
Frying pan
PREPARATION:
- I flat at panipisin ang chicken fillet para mas madali syang i roll
- lagyan ng seasoning ang chicken fillet pwede lagyan ng salt or paminta.
- Ilagay ang ham sa ibabaw ng fillet (pwede hatiin ang ham sa gitna kug nagtitipid ☺)
- Gayatin ang cheese ng tamang laki ang parang mini dos por dos ( pede din gumamit ng cheese na panglagay sa burger and mas maganda kung eden cheese ang ilalagay)
- I rolyo ang fillet at lagyan ng flour paagkatapos ay ilagay sa steamer para i steam ng 10 minutes.(Note: pwede din syang hindi i steam pero mas makakatulong ang na steam ng fish fillet para mas kumapit ang breadings at hindi sya bumuka habang piniprito)
- Pagkatapos i steam ang fillet pagulungin to sa harina, itlog at bread crumbs at iprito sa kumukulong mantika.
- Kapag brownish na ang balat ang fillet pwede na sya tanggaling sa mantika at ilagay sa pinggan na may papre towel or wax paper para masipsip ang natitirang mantika.
- Gayatin sya ng pa para mas amging presentable kapag isinerve.
Mushroom sauce:
Pwede kayo gumawa ng mushroom sauce bumili lang ng mushroom soup ng knorr, tunawin sa tubig at lagyan ng paminta at pakuluan hanggang lumapot.
White sauce
Sa Pagluluto ng white sauce kailangan nyo maglagay ng i tbsp of butter sa kawali and lagyan ng all purpose cream at tubid. I season sya ng konting salt and pepper at konting sugar then pakuluin hanggang lumapot.
Meron na tayong masarap na Cordon bleu and napakadali lang lutin di ba? Pwedeng pwede din itong ihanda sa mga special ocassions like birthday, anniversary o binyag , mas makakamura kayo sa putaheng ito kc kokonti lang ang ingredients nya.
I hope nagustuhan nyo ang isa ko na nmang Food Blog, I'll be posting more food blog just follow this blog and also follow me on my social media accounts ...and I'll be posting yung actual na pagluluto ng cordon bleu sa aking youtube account so watch for it and subscribe to my youtube account.I'll be posting my social media account below. Sa aking mga readers if may mga recipe kayo na gustong ipa try saken or pwede kayo mag request ng recipe saken na pede ko iblog just let me know.
❤❤Facebook: https://facebook.com/wandermaan
No comments:
Post a Comment