Saturday, March 16, 2019

COOK BLOG: cordon bleu





Hello again mga Bradz, andito na nman tayo sa isang editiong ng aking Food Blog and ngaun ay maggagawa tayo ng cordon bleu. Napakadali lang gawin ng cordon bleu at isa eto sa best seller nmin sa aming catering na  Bradz Cuisine. Sa mga mamshies na nahihirapang magpakain sa mga pihikan nilang kiddos you can try this dish at tiyak na magugustuhan to ng mga anak nyo dahil eto ay isang magandang alternative sa fried chicken na alam naman nating all time favorite ng mga bata. So lets start na sa ating pagluluto ng Cordon Bleu and here is the list of Ingredients.

INGREDIENTS:

1/2kl.        Chicken Fillet
1 pack       Ham
1 Pack       Cheese
2pieces      eggs

seasoning
All purpose flour
Bread Crumbs
Cooking Oil









COOKING UTENSILS
Steamer
Frying pan

PREPARATION:
  • I flat at panipisin ang chicken fillet para mas madali syang i roll
  • lagyan ng seasoning ang chicken fillet pwede lagyan ng salt or paminta.
  • Ilagay ang ham sa ibabaw ng fillet (pwede hatiin ang ham sa gitna kug nagtitipid ☺)
  • Gayatin ang cheese ng tamang laki ang parang mini dos por dos ( pede din gumamit ng cheese na panglagay sa burger and mas maganda kung eden cheese ang ilalagay)
  • I rolyo ang fillet at lagyan ng flour paagkatapos ay ilagay sa steamer para i steam ng 10 minutes.(Note: pwede din syang hindi i steam pero mas makakatulong ang na steam ng fish fillet para mas kumapit ang breadings at hindi sya bumuka habang piniprito)
  • Pagkatapos i steam ang fillet pagulungin to sa harina, itlog at bread crumbs at iprito sa kumukulong mantika.
  • Kapag brownish na ang balat ang fillet pwede na sya tanggaling sa mantika at ilagay sa pinggan na may papre towel or wax paper para masipsip ang natitirang mantika.
  • Gayatin sya ng pa para mas amging presentable kapag isinerve.



OPTIONAL:

Mushroom sauce:
Pwede kayo gumawa ng mushroom sauce bumili lang ng mushroom soup ng knorr, tunawin sa tubig at lagyan ng paminta at pakuluan hanggang lumapot.

White sauce
Sa Pagluluto ng white sauce kailangan nyo maglagay ng i tbsp of butter sa kawali and lagyan ng all purpose cream at tubid. I season sya ng konting salt and pepper at konting sugar then pakuluin hanggang lumapot.







Meron na tayong masarap na Cordon bleu and napakadali lang lutin di ba? Pwedeng pwede din itong ihanda sa mga special ocassions like birthday, anniversary o binyag , mas makakamura kayo sa putaheng ito kc kokonti lang ang ingredients nya. 

I hope nagustuhan nyo ang isa ko na nmang Food Blog, I'll be posting more food blog just follow this blog and also follow me on my social media accounts ...and I'll be posting yung actual na pagluluto ng cordon bleu sa aking youtube account so watch for it and subscribe to my youtube account.I'll be posting my social media account below. Sa aking mga readers if may mga recipe kayo na gustong ipa try saken or pwede kayo mag request ng recipe saken na pede ko iblog just let me know.


❤❤Facebookhttps://facebook.com/wandermaan




Glitter Words

FOODBLOG: How To cook Puto





Hello mga Bradz!!! Kumusta nman ang ating mga tummy, grabe yung panahon ngayon sobrang maulan at isa sa pinakamasarap gawin kapag umuulan ay kumain (sorry diet see you next year).Ngaun ay susubukan natin na magluto ng puto, first time ko to na magluto ng puto pero don't worry magaling ako tsumamba..he..he..he. Ang gagawin nating puto ngaun ay puto na gawa sa all purpose flour , madali lang tong gawin kaya kahit yung mga di expert sa pagluluto ay kayang kaya tong gawin.

Simulan na natin ang pagluluto at ito ang mga kailangan natin.

INGREDIENTS:
2 cups            All purpose Flour
1 cup             Sugar
2                    eggs
1 1/3  cups     water
1 1/2   tbsp.   baking powder
1/2  tsp.         salt
1/2  cup         butter or margarine (melted)
1 small          cheese


UTENSILS:
Steamer
Mixing Bowl
Wire whisk
Spatula
Molder
Measuring cups and spoon

Paraan ng Pagluluto:


  • Lagyan ng tubig ang steamer at isalang sa stove para kumulo.
  • Sa mixing bowl ilagay ang 2 cups All purpose flour, 1 1/2 tbsp.baking powder at 1 cupsugar, haluin ng spatula para mag incorporate ang mga ingredients.
  • Ilagay ang melted butter o margarine sa mixture at haluin sya ng wire whisk, Siguraduhing mahahalo ng mabuti ang mixture para maging mukha syang cream.
  • Ilagay ang 1 1/3 cups ng water at 2 itlog at haluing mabuti hanggang sa wala ka ng makitang particles na buo buo.
  • Hatiin ang cheese ng tamang laki lamang para maging garnish 
  • Ilagay sa molder ang batter mixture at lagyan ng cheese sa ibabaw.
  • Lutuin sa steamer ang batter mixture ng 15-30 minutes.malalaman natin na luto na ang puto kung madali na itong maalis sa molder o kaya kapag tinusok mo ng tooth pick ay wala na sumasamang particles.

Hola... Luto na ang puto mo at napakadali lang talaga. makakagawa ka ng 50 pirasong puto kapag gagamitin mo sya ng katamtamang laki na molder. masarap kaulam ang puto sa dinuguan o kaya nman ay kapares ng kape...masarap to lalo na sa malamig na panahon. Pede din lagyan ng itlog na pula sa ibabaw ng puto kung mas special na puto ang gusto mo lutuin.

Madali lang magluto kung may passion ka sa pagluluto. Dapat lang maging sensitive ang panlasa natin upang  malaman natin kung tama na ba ang lasa ng niluluto natin. Huwag matakot mag experiment ing iba't ibang putahe malay mo maka discover ka ng bagong recipe.That's it pancit for my puto recipe. I will post more recipes on this blog and also I will post updates on my social media account so please follow me.

❤❤Facebook: https://facebook.com/wandermaan



Glitter Words